About Me

My photo
Olongapo City/ Subic/ Quezon City/Alabang, Central Luzon/ NCR, Philippines
I am a BA/ MA History graduate from the University of the Philippines, Diliman. Presently enrolled at San Beda Alabang-School of Law. I was a full-time faculty from Miriam College High school and currently a professor of History at San Beda Alabang. Advocate for the environment and co-convener of Share The Road Movement in Metro Manila. I am an optimist, I believe in the goodness of every person and of every thing. Very passionate, sensitive but strong willed. Love the color pink in all shades. Love to write, to paint, to take pictures, to laugh and most of all I love to love! Cest' La Vie!

Wednesday, March 31, 2010

Pagpupugay sa Isang Natatanging Ama

Maligayang Bati Dad

(Para sa Nalalapit mong ika-63 na Kaarawan)



Isang pagpupugay sa minamahal kong ama

Sandigan kong tunay, tungkod ko ng pag-asa

Sa paglipas ng mga taon; tikas at tindig angat pa rin sa iba

Hangga’t hanggan runong at husay ay damang dama



Kanyang isipan at mga kamay palagiang nagsusumikap

Pagmamalasakit; pagmamahal sa ina ko’t sa aki’y kumikislap

Kaya pasasalamat ko’y nag-umaapaw, tumatagos sa mga puting alapaap

Sa puso ko tunay siyang walang kapantay maging sa hinaharap



Ama kong mapagkalinga na sa aki’y laging umaagapay

Salita’y di sasapat upang ako sa iyo ay magpugay

Iyong pagkalinga sa akin mula pagsilang ay walang humpay

Aking tatanawing malaking utang na loob, panghabang buhay



Sa nalalapit at natatangi mong kaarawan ngayong buwan

Payak na mga letra’y siyang tangi kong nakayanan

Kasama ang hangga’t hanggang pagmamahal ko para sa ‘yo

Nawa sa iyo’y magbigay ngiti at pumukaw sa iyong puso





Isinulat ni: Valerie May M. Cruz

No comments: