About Me

My photo
Olongapo City/ Subic/ Quezon City/Alabang, Central Luzon/ NCR, Philippines
Mom. Wife. Teacher.

Tuesday, January 01, 2019

Inay


Sa sinapupunan ko'y siyam na buwan inakay
Pusod ng isa't isa ay magkaugnay
Sa lahat ng bagay tayo'y magkasabay
Iisa at magkarugtong sa lahat ng bagay

Paglabas sa sinapupunan ika'y yakap
Pakiramdam ay ganda at ubod ng sarap
Napapawi lahat ng dinanas na hirap
Sapagkat ang anghel mong mukha ang kaharap


Mama, mommy, nanay o inay
Ako'y lagi nariyang upang gumabay
Mula pagkamusmos hanggang magkamalay
Buong buhay ko sa iyo anak aking handang ialay.

Written by: Vmmcc
Jan 01, 2019