Redacciones, poemas, y reflexiones... Mga sanaysay, mga tula at mga pagninilay-nilay... Essays, poems, and reflections...
About Me
- Valerie May
- Olongapo City/ Subic/ Quezon City/Alabang, Central Luzon/ NCR, Philippines
- Mom. Wife. Teacher.
Wednesday, November 30, 2011
Lumbay ng Puso
Paano mapapawi ang pighati?
kung ang damdami'y dama ang sidhi
Mga mata'y nanangis anumang pagkukubli
Sa kabila ng mga ngiting gumuguhit sa labi
Paano matatahan ang pusong nanaghoy?
Kalungkutang sa puso'y dumadaloy
Unti-unting paglubog sa kawalan ng kumunoy
Ang pasakit, hirap at poot ay nagpapatuloy
Paano maiibsan ang nadaramang pagod?
Sa buong katawan at puso'y humahagod
Sa buong pagkatao'y siyang bumubuod
Pumapawi ng sigla at lakas ng tuhod
Paano muling bubhayin ang pusong nawalan ng sigla?
Kung ang dating alab nito'y unti-unting nawala
Napalitan ng lumbay, lungkot at tuluyang pagkasawa
Ang dating magiliw na pagsunod, wala na nga't wala
Pusong nalipasan ng gutom sa paghihikayat at pag-unawa
Naubusan ng pangarap, nilisan na ng pag-asa
Pusong nanlamig, pusong wala ng sinta
Kung ialay pa rin sa iyo ay para saan pa?
Mom. Wife. Teacher.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment