Panimula
Itinatatag
noong 1912 ang Kongregasyon ng mga madreng Maryknoll sa Estados Unidos. Nanguna
sila sa pagpapadala ng mga misyonaryo partikular sa mga bansa sa Asya. Si
Sister Mary Josephine Rogers (Mother Mary Joseph) ang kanilang
kinikilalang tagapagtatag sa tulong nina Bishop James A. Walsh at Father
Thomas Frederick Price. Nauna nang naitatatag ng dalawang paring nabanggit ang
grupo ng mga Amerikanong seminarista na nilayong magpadala ng misyon sa
iba’t-ibang bansa. Tinawag silang The Catholic Foreign Mission Society of
America. Sa paglipas ng mga taon mas kikilalanin ang mga miyembro ng
misyong ito bilang mga Maryknoll brothers at sisters.
Tatalakayin sa papel na ito ang mga
naging simulain ng kongregasyon ng mga madreng Maryknoll sa bansa.
Itinuring na mahalagang ambag nila sa kanilang pananatili ang kanilang mga
itinatatag na institusyon partikular sa sektor ng edukasyon. Kakaiba sa ibang
mga naunang naitatag ng kongregasyon noong Panahon ng Espanyol dumating ang mga
Maryknoll sisters sa Panahon ng pamamalagi ng mga Amerikano. Bukod sa
pagpapakikilala ng mga Amerikano ng demokratikong paraan ng pamumuno,
ipinakilala rin nila ang wikang Ingles kaalinsabay na ang kanilang kultura
tulad ng pananamit at sining. Naging bukas rin ang bansa sa iba’t-ibang mga
misyon tulad ng mga Protestanteng misyonaryo.[1] Kasabay ng
mga misyong ito ang pagpapatayo ng mga paaralan na layuning makapagpatayo ng
edukasyong nakalapat sa sistema ng Estados Unidos.[2] Isa ito sa
mga dahilan kung bakit naging sikat ang mga pampublikong paaralan. Sa mga
paaralang ito, hindi mandatong ituro ang relihiyon sapagkat isa ito sa mga
pamantayan ng pagiging isang sekular na estado.[3]
Batay sa pananaw ng mananaliksik ito
ang mga dahilan ng pagdating ng mga madre sa bansa. Ang tapatan ang paglakas ng
pampublikong edukasyon at maging ng mga misyong Protestante sa bansa. Bagaman
hindi sila nag-umpisa sa Maynila nagbigay daan ang kanilang simulain sa Malabon
patungo sa pag-unlad ng kanilang mga misyon sa Pilipinas. Kilala ang Maryknoll brothers and sisters sa
kanilang mga misyon sa iba’t-ibang mga bansa lalu na sa mga hindi pa
Kristiyanisadong bansa sa Asya tulad ng Manchuria, Hongkong at Korea .[4]
Subalit sa pananaw ng mananaliksik sa kaso ng Pilipinas, ang magiging misyon ng
mga madre ay hindi nakatuon sa Kristiyanisasyon ng bansa kung hindi sa larangan
ng edukasyon at pagkakawang-gawa. Sapagkat matagal nang Kristiyanisado ang
bansa mula po noong dumating ang mga Espanyol maliban sa ilang bahagi ng Mindanao kung kaya ang hamon para sa kanila sa aspeto ng
pagpapalaganap ng Katolikong pananampalataya ay hindi na kasing igting tulad ng
sa ibang bansa sa Asya.
Sa
kasalukuyan kilala ang mga madreng Maryknoll bilang tagapagtatag ng
isang pribadong institusyong pang-edukasyon na pangkababaihan. Tulad ng nauna
nang nabanggit sa papel dumating sila sa bansa noong panahon ng pananatili ng
mga Amerikano kakaiba sa mga naunang naitatag na relihiyososng organisasyon
noong Panahong ng Espanyol.. Tugon ito sa ginawang pagpapatawag ni dating
Arsobispo Michael O’ Doherty ng Maynila na nalathala sa pahayagang Manila
Bulletin noong ika-6 ng Marso, 1925.[5]
Sa
balita binigyang tuon ang pagbanggit sa Smith College ang kolehiyong
pinagmulan ng mga madre partikular ng kanilang tagapagtatag na si Mother
Mary Joseph. Sa kadahilanan kilala ito sa Amerika sa pagiging isang sekular
na unibersidad.[6] Ang
makapagpatayo ng isang Katolikong paaralan at makapagturo ng wikang Ingles sa
mga mamamayan ng Malabon ang naging pangunahing misyon ng kongregasyon. Tinawag
ang unang paaralan na kanilang itinatatag bilang Malabon Normal School noong
1927.[7] Nag-alok
ang nasabing institusyon ng mga kurso para sa mga mag-aaral sa primarya at
sekundaryang antas. Naging bukas ito para sa mga kalalakihan at mga kababaihang
nais na magpatala ng kanilang pangalan.
Sa
kalaunan malilipat sa United
Nations Avenue ang paaralan na kanilang
itinatatag sa Malabon at kilalalanin bilang Maryknoll Normal
School . Bukod sa mga ito itatatag din ng mga
madre ang St. Mary’s Hall isang dormitoryo at ang St. Paul’s Hospital na parehong nasa
lungsod ng Maynila. Dulot ng mainit na temperatura sa kapatagan sa Maynila
naging madalas ang pagkakasakit ng mga madre dulot ng maalinsangang panahon.
Nagsimula ang pagsasaayos ng paaralan sa pagitan ng mga buwan ng Marso hanggang
Abril ng 1927. Mga buwang pinakamaalinsangan ang panahon sa bansa dulot ng
tag-init. Dahilan dito pinayuhan ang mga
madre na magbakasyon ng ilang araw sa lungsod ng Baguio.[8] Kilala na
noon pa man ang lungsod bilang isang natatanging lugar sa kabundukan na may
kaaaya-ayang panahon. Isa ito sa mga naging daan sa pagtatag ng kumbento at
paaralan sa Baguio ng mga Maryknoll na kikilalanin bilang Maryknoll
Convent School sa Baguio. Bukod dito, makakapapagpatayo pa sila ng ilang
pang mga institusyon tulad ng Maryknoll Academy sa Lucena at ang
tinatawag na The First Philippine Vocations. Naitatag ang mga
institusyong ito sa pagitan ng mga taong 1925 hanggang 1941.[9]
Nasaksikhan din ng mga madreng
Maryknoll ang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pangdaigdig sa Pilipinas na
naging sanhi ng pagkamatay ng isa sa kanilang mga miyembro. Naging bilanggo ang
ilan sa kanila sa mga internment camp sa Maynila habang naiwan ang ilan
pa nilang mga kasamahan sa Baguio, Los Baños at sa Fort
Santiago. Sa pamamagitan ng pakikipagsulatan sa kanilang tanggapan sa New
York nagkaroon ng tala ng mga karanasan ng mga madre hanggang sa Liberation
of Manila noong 1945.[10]
Hindi rito nagwakas ang pananatili ng mga madre sa bansa. Sapagkat noong taon
ding iyon muling kumalap ng pondo ang mga madre sa tulong ng kanilang
kongregasyon sa Estados Unidos upang makapagsimulang muli. Ang kanilang mga maitatag sa mga loob ng mga
panahong ito ay ang St. Joseph’s Hospital sa Manapla, ang Our Lady of
the Rosary Academy sa Lipa, ang Araneta Institute for Agriculture sa
Malabon at ang Maryknoll Fathers High School sa Pakil, ang La Salette
College sa Santiago, Maryknoll Sisters Free School sa Maynila at ang
St. Paul’s Hospital sa Mandaluyong. Bukod sa mga nabanggit nakapagpatayo
rin sila sa ilang bahagi ng Mindanao tulad na lamang ng sa Maguindanao, Davao
del Norte at Davao Oriental.[11]
Subalit ang naging pinakatanyag na
institusyong itinayo ng kongregasyon ay ang Maryknoll College
noong 1952 hanggang 1972 sa Diliman, Lungsod Quezon. Sa kasalukuyan kilala ito
bilang Miriam
College .[12] Ang
pagbabago sa pangalan ay sa kadahilanang hindi na ito nasa pamamalakad ng
kongregasyong Maryknoll kung hindi nasa kamay na ng mga akademista.
Gayunpaman nanatiling nakatanaw ang mga namamahala ng nasabing institusyon sa mga naging simulain ng Maryknoll
sisters.[13]
Nais ipakita ng mananaliksik ang
maikling kasaysayan ng Kongregasyon ng mga Maryknoll sisters sa bansa pati na
rin ang istruktura ng edukasyon na kanilang ipinakilala sa mga Pilipino na
kasalukuyang kinikilala bilang isa sa kanilang mga mahalagang kontribusyon
bilang isang institusyon na itinatag noong panahon ng mga Amerikano.
***Mga larawang hiniram ng mananaliksik mula sa mga pahina 85-
89 at pahina 94 ng aklat na, “Maryknoll
Sisters in the Philippines ”
nina Virginia Fabella, MM at Dorothy Mulligan, MM.***
[1] Fabella, MM, Virginia at
Mulligan MM. Dorothy. Maryknoll Sisters in the Philippines, (Lungsod
Quezon: Kadena Press Foundation, Inc.), 3.
[2] May, Glenn. Social Engineering in the Philippines, The
Aims and Execution of American Colonial
Policy, 1900-1923, (Westport, Connecticut: Greenwood Press, 1980), 96.
[3] Osias, Camilo. Life-centered
Education. ( Lungsod Quezon, Bustamante Press, 1954), 27-28.
[4] Fabella, 2
[5] Ibid, 1.
[6] Ibid, 2.
[7] Ibid, 3.
[8] Ibid, 17
[9] Ibid, 15-25.
[10] Ibid, 29.
[11] Ibid,
53-67.
[12] Ibid, 37.
[13] Thornton, M.M. Miriam Thomas and
Narciso-Apuan Victoria, "As One lamp lights another..." The Story
of Maryknoll/ Miriam College, (Lungsod Quezon, Miriam College Foundation
Inc.), vii.
No comments:
Post a Comment