Ang diskusyon tungkol sa paggamit
ng panahon ang isa sa mga pinakama-argumentong paksa ayon kay Fernan Braudel.
Pinagdidiskusyonan ang gamit nito hindi lamang ng mga dalubhasa at mag-aaral ng
kasaysayan kung hindi pati na rin ng mga nabibilang sa larangan ng Agham
Panlipunan.
Batay
sa artikulo, kadalasan naiisang-tabi ang kahalagahan ng mahabang panahon at
naitutuon ang pansin sa mga maliliit na pangyayari kung saan higit na
kapansin-pansin ang aksyon ng mga kaganapan. Subalit batay sa artikulo na
sinasang-ayunan din naman ng mananalaysay mahalaga ang pag-uugnay sa mga maliit
na pangyayari mula sa nakalipas upang mas mauunawaan ang kalikasan ng buong
kaganapan.
Noong ika-19 na dantaon nagkaroon ng
unti-unti bagaman hindi lubusang pagtiwalag mula sa tradisyonal na
historiograpiya. Nakabatay dati-rati sa kronolohiya ng mga panahon ang
pagsususulat ng kasaysayan. Subalit nagkaroon ng pagtuon sa mga bagong sentro
ng pagsusulat tulad ng na kantitatibong pananaliksik (quantitative research)
at pagpapahalaga sa mga istruktura na kabahagi realidad na maaring nanatili
o maari rin namang unti-unting naagnas.
Kaalinsabay sa pag-aaral ng mga
istruktura mahalaga rin ang pagsasagawa ng mga reskonstrukyson Nangangahulugan
ito ng malalalimang pagsisiyasat na maaring magpa-simple o kaya naman ay mas
lalung magpa-kumplika sa tunay na kalikasan ng mga pangyayari.
Bukod sa mga diskusyon sa mahaba at
maiksing panahon sa kasaysayn, binigyang diskusyon din ni Braudel ang mga
umuusbong na methodolohiya sa pagsasalikik sa agham panlipunan tulad ng
komunikasyon at matematika. Binigyang diskusyon din niya ang unconscious
history na kung saan hindi namamalayan ng tao na kabahagi siya sa pagbuo ng
kasaysayan. Mga modelo na nangangahulugang hipotesis at mga sistemang
eksplanatoryo na binubuo ng mga pantayan at panksyon gayundin ang panlipunang
matematika (social mathematics) na binubuo ng mga pinag-lupon na mga konsepto
ng impormasyon, matematika at kalitatibong matematika. Bukod sa mga ito,
binigyang talakay din ni Braudel ang kaibahan ng paggamit ng panahon sa
kasaysayan at sosyolohiya na bibigyang depenisyon sa mga konspeto sa ibabang
bahagi.
Matapos basahin ang artikulo hindi
maitatanggi ang kahalagahan ng panahon sa pag-unawa ng paksa na ating inaaral.
Mapapatunayan dito, na hindi maaring baliwalain ang pagpapahalaga sa konteksto
ng panahon kahit na kadalasan ay nililimitihan tayo nito. Sapagkat kapag
lubusan itong naunawaan, mas maiintindihan ang paksa na inaaral at makatutulong
ito upang maiwasan ang mga pag-kiling at maunawaan na ang mga kaganapan sa
nakalipas ay maaring pag-aralan subalit hindi maaring husgahan dahil maraming
salik ang magkakaiba na hindi maaring ihambing sa kasalukuyang panahon.
MGA KONSPEPTO:
1.PANAHON (TIME)- Binubuo nito hindi lamang ang
sustansya ng nakalipas, kinapapalooban din ito ng mga hibla ng buhay panlipunan
ng kasalukuyan.
2. MAIKSING PANAHON SA
KASAYSAYAN- Panahon batay sa pagkakaunawa ng isang indibidwal , panahon sa
pang-araw-araw na buhay, mga panaginip, at mga superpisyal na kamalayan ng
nakalipas. Panahon batay sa pagkakaunawa ng mga manunulat sa pahayagan o talaarawan.
3. KASAYSAYAN SA LOOB NG MAHABANG
PANAHON- pagtingin sa kasaysayan hindi lamang batay sa mga pangyayari,
ginagamitan ito ng pagtanaw hanggang sa ilang daang taon ang nakalipas upang
mapag-aralan ang mga institusyon, relihiyon at sibilisasyon.
4. PANAHON PARA SA MGA
HISTORYADOR- ang panahon ay ang umpisa at katapusan ng bawat bagay, ang panahon
na parehong matematikal at malikhain, isang katangi-tanging nosyon, isang
puwersa na nasa labas ng sangkatauhan na kumokontrol na dinadala ang ating mga
mga personal na alaala, panahon ng mundo na walang sinuman ang hinihintay.
5. PANAHON PARA SA MGA
SOSYOLOHIYA- Ang panlipunang panahon (social time) ay pawing iisang dimension
ng kahit anung panlipunang reyalidad na inoobserbahan o pinag-aaralan.
No comments:
Post a Comment