Paano mapapawi ang pighati? kung ang damdami'y dama ang sidhi Mga mata'y nanangis anumang pagkukubli Sa kabila ng mga ngiting gumuguhit sa labi Paano matatahan ang pusong nanaghoy? Kalungkutang sa puso'y dumadaloy Unti-unting paglubog sa kawalan ng kumunoy Ang pasakit, hirap at poot ay nagpapatuloy Paano maiibsan ang nadaramang pagod? Sa buong katawan at puso'y humahagod Sa buong pagkatao'y siyang bumubuod Pumapawi ng sigla at lakas ng tuhod Paano muling bubhayin ang pusong nawalan ng sigla? Kung ang dating alab nito'y unti-unting nawala Napalitan ng lumbay, lungkot at tuluyang pagkasawa Ang dating magiliw na pagsunod, wala na nga't wala Pusong nalipasan ng gutom sa paghihikayat at pag-unawa Naubusan ng pangarap, nilisan na ng pag-asa Pusong nanlamig, pusong wala ng sinta Kung ialay pa rin sa iyo ay para saan pa?
Redacciones, poemas, y reflexiones... Mga sanaysay, mga tula at mga pagninilay-nilay... Essays, poems, and reflections...