Matapos ang isang unos, matapos ang isang pagtutuos mga luha sa batisan ay patuloy na aagos at ngiti sa labi ko’y maaaninag kasabay ng mapagkalinga mong haplos
Mga salitang mamumutawi sa bibig tila ba mga mahalimuyak na bulaklak, magbibgay galak sa damdaming busilak, magbibgay ganyak sa kapaligiran kong payak
Ang minimithing liwanag, mula sa madilim na sulok ng isipan na aking binihag, mga malungkot na alaalang dati sa aki’y bumitag
Tulad ng pitong kulay ng isang bahag-hari, katahimikang hatid ng payapang isipan ang mamamayani, sa puso ko nawa’y manatili upang sa gayo’y maligtas sa naranasang pagkasawi.
Valerie May M. Cruz
November 23, 2008
No comments:
Post a Comment