Redacciones, poemas, y reflexiones... Mga sanaysay, mga tula at mga pagninilay-nilay... Essays, poems, and reflections...
About Me
- Valerie May
- Olongapo City/ Subic/ Quezon City/Alabang, Central Luzon/ NCR, Philippines
- Mom. Wife. Teacher.
Thursday, April 30, 2020
ALINLANGAN
Lumaban, bumangon ang sa aki'y hamon
Sa pusong nalulumbay sing lungkot ng dapit- hapon
Kinabukasa'y hinahatak ng malungkot na kahapon
Parang katig sa dagat na tangay ng malakas na alon
Babaeng nakapiring hawak ang timbangan
Sa aking mga mata'y sinisintang paraluman
Malyete at bloke ng hukom kataas-taasan.
Mapapansin kaya tong pagsintang-tangan tangan?
Baka ito ang totoong kapalaran?
Baka hindi sadyang bagay sa hukuman.
Ay! Isipan ay pagod ng husgahan
Sarili hindi tiyak, nag-aalinlangan.
-VMMCC
April 30, 2020
Mom. Wife. Teacher.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment