Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2020

ALINLANGAN

Lumaban, bumangon ang sa aki'y hamon Sa pusong nalulumbay sing lungkot ng dapit- hapon Kinabukasa'y hinahatak ng malungkot na kahapon Parang katig sa dagat na tangay ng malakas na alon Babaeng nakapiring hawak ang timbangan Sa aking mga mata'y sinisintang paraluman Malyete at bloke ng hukom kataas-taasan. Mapapansin kaya tong pagsintang-tangan tangan? Baka ito ang totoong kapalaran? Baka hindi sadyang bagay sa hukuman. Ay! Isipan ay pagod ng husgahan Sarili hindi tiyak, nag-aalinlangan. -VMMCC April 30, 2020