About Me

My photo
Olongapo City/ Subic/ Quezon City/Alabang, Central Luzon/ NCR, Philippines
Mom. Wife. Teacher.

Sunday, November 01, 2020

PACHINKO

Happy fan once again. Finally got my copy of PACHINKO by LEE MIN JIN. One of the New York Times' "Ten Best Books of 2017. A saga about Korean immigrants living in Japan between 1910 and present times. LEE explores the consequences of discrimination, poverty and survival; wealth and abuse; and war and suicide.



The cast for Pachinko includes Lee Min-ho (Boys Over Flowers, The Heirs), Jin Ha (Devs, Love Life), Anna Sawai (Fast & Furious 9, Giri/Haji), Minha Kim (Call, After Spring), Soji Arai (Cobra Kai, Legacies) and Kaho Minami (Angel Dust, Household X).

From:  https://pin.it/QnM12Su

π—Ÿπ—²π—² 𝗠𝗢𝗻h𝗼'π˜€ π—›π—Όπ—Ήπ—Ήπ˜†π˜„π—Όπ—Όπ—± π—±π—²π—―π˜‚π˜

ππ€π‚π‡πˆππŠπŽ : π‡π€ππ’π”πŸ”ΈHashtag CampaignπŸ”Έ


#PACHINKO_Leeminho_HANSU 

#만호야Hansuα„€α…‘α„…α…³α„Žα…§α„Œα…―

#Minho_Teachme_HANSU

#이민호 #LeeMinho #ActorLeeMinHo 

#γ‚€γƒŸγƒ³γƒ› #ζŽζ•ι• #Minoz #νŒŒμΉœμ½” 

#ν•œμˆ˜ #Pachinko #Hansu #AppleTV #MYMEntertainment #PhilippineMinoz

Thursday, April 30, 2020

ALINLANGAN



Lumaban, bumangon ang sa aki'y hamon
Sa pusong nalulumbay sing lungkot ng dapit- hapon
Kinabukasa'y hinahatak ng malungkot na kahapon
Parang katig sa dagat na tangay ng malakas na alon

Babaeng nakapiring hawak ang timbangan
Sa aking mga mata'y sinisintang paraluman
Malyete at bloke ng hukom kataas-taasan.
Mapapansin kaya tong pagsintang-tangan tangan?

Baka ito ang totoong kapalaran?
Baka hindi sadyang bagay sa hukuman.
Ay! Isipan ay pagod ng husgahan
Sarili hindi tiyak, nag-aalinlangan.


-VMMCC
April 30, 2020

Saturday, March 28, 2020

FRONTLINER

Mundo'y may digmaang bagong kinakaharap
Hindi dama, di kita ng matang kumukurap
Kaya nitong kilitin ang buhay sa isang iglap
Tila ang pag-asa ay singlayo ng mga alapaap

Ito'y koronang hindi mo nais mahawakan
Sapagkat maaring kaakibat nitoy kamatayan
Sino ang sasagip sa ating sambayanan?
Sa dagok na itong nasa ating harapan

Ang daming taong nagdudunong-dunungan
Matitigas na ulo, panay ang alitan
Tatlumpung araw, ano ba ang hahantungan?
Nitong koronang sa likuran ng bawat Pilipino ay pasan.

Sa digmaang ito may mga buhay na nabuwis
Mga frontliners, nag-alay ng dugo't pawis
Nagdulot sa pamilya, sa sambayanan ng luha at
hapis.
Salamat frontliner! Sa alay niyong buhay ng may tapang at bangis.



-vmmcc 03 24 20