Mundo'y may digmaang bagong kinakaharap Hindi dama, di kita ng matang kumukurap Kaya nitong kilitin ang buhay sa isang iglap Tila ang pag-asa ay singlayo ng mga alapaap Ito'y koronang hindi mo nais mahawakan Sapagkat maaring kaakibat nitoy kamatayan Sino ang sasagip sa ating sambayanan? Sa dagok na itong nasa ating harapan Ang daming taong nagdudunong-dunungan Matitigas na ulo, panay ang alitan Tatlumpung araw, ano ba ang hahantungan? Nitong koronang sa likuran ng bawat Pilipino ay pasan. Sa digmaang ito may mga buhay na nabuwis Mga frontliners, nag-alay ng dugo't pawis Nagdulot sa pamilya, sa sambayanan ng luha at hapis. Salamat frontliner! Sa alay niyong buhay ng may tapang at bangis. -vmmcc 03 24 20
Redacciones, poemas, y reflexiones... Mga sanaysay, mga tula at mga pagninilay-nilay... Essays, poems, and reflections...