Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2019

Inay

Sa sinapupunan ko'y siyam na buwan inakay Pusod ng isa't isa ay magkaugnay Sa lahat ng bagay tayo'y magkasabay Iisa at magkarugtong sa lahat ng bagay Paglabas sa sinapupunan ika'y yakap Pakiramdam ay ganda at ubod ng sarap Napapawi lahat ng dinanas na hirap Sapagkat ang anghel mong mukha ang kaharap Mama, mommy, nanay o inay Ako'y lagi nariyang upang gumabay Mula pagkamusmos hanggang magkamalay Buong buhay ko sa iyo anak aking handang ialay. Written by: Vmmcc Jan 01, 2019