About Me

My photo
Olongapo City/ Subic/ Quezon City/Alabang, Central Luzon/ NCR, Philippines
Mom. Wife. Teacher.

Sunday, November 28, 2010

KABANATA 24

Dalawampung taon… dagdagan pa ng apat ayan ang edad ko, daang liko-liko, hanggang saan kaya dadako ito buhay kong ito? O Diyos ko, gabayan niyo po sana ninyo ako sa paglalakbay, sa paghahanap ng saysay, sa pagbibigay ng kulay, sa bawat gawa ng aking kamay, sa inyo po aking inaalay.

Isip, damdamin at mga gunita ko ay tila sali-saliwa, nagdudulot sa puso ng pagkabalisa. Ilan na ang nagdaang mga kabanata, idagdag pa ang ilang mga talata subalit landasin tila ba walang tanda, sapagkat bawat hakbang ibinatay ko sa tadhana.

Ano kaya ang kapalarang naghihintay? Mananalaysay? Abogada? Historyador bang tunay? Guro nga bang nagbibigay gabay? Anak bang nagbibigay giliw? Isang mangingibig na hindi magmamaliw?

Naway mga katanungan ko, mabigyan ng malinaw na kasagutan, dili naman kaya ay ilang palatandaan, hindi man sa kasalukuyan sana’y sa kinabukasn, upang sa halip na masiraan ay mabigyan ng kalinawagan.

Valerie May M. Cruz

PAG-ASA

Matapos ang isang unos, matapos ang isang pagtutuos mga luha sa batisan ay patuloy na aagos at ngiti sa labi ko’y maaaninag kasabay ng mapagkalinga mong haplos

Mga salitang mamumutawi sa bibig tila ba mga mahalimuyak na bulaklak, magbibgay galak sa damdaming busilak, magbibgay ganyak sa kapaligiran kong payak

Ang minimithing liwanag, mula sa madilim na sulok ng isipan na aking binihag, mga malungkot na alaalang dati sa aki’y bumitag

Tulad ng pitong kulay ng isang bahag-hari, katahimikang hatid ng payapang isipan ang mamamayani, sa puso ko nawa’y manatili upang sa gayo’y maligtas sa naranasang pagkasawi.

Valerie May M. Cruz
November 21, 2008